Sunday, November 9, 2008

PALIPARAN








Paliparan...

Sa tuwing maglalakbay at napapad-pad sa paliparan, kapansin-pansin ang emosyon na iyong makikita.

Ang lugar ng paliparan ang kung saan ibat-ibang uri ng buhay na mala-pelikula ang iyong masasaksihan.

May kwento ng iyakan, habang yakap-yakap ang paalis na kamag anak, dahil sa kalungkutan na mawawalay sa kanyang pamilya. Paalis na ina, na di mapigil ang patuloy na pag agos ng luha dahil sa maiiwang pamilya.

Habang ang lilisan na haligi ng tahanan ay hindi makitaan ng pagluha at nagbibilin sa kanyang maiiwanan ,ng payo sa buhay, kasabay ng pag kuha ng sukat ng paa na akala mong ang kontrata taon ay kisap mata lamang, kasabay ang pagkuha ng bagahe, tatalikod at makatatlong hakbang palayo patungo sa eroplano saka tutulo ang luha.

Kuya, ate o bunso, pagkatapos ng apat na taon sa kolehiyo, may kaunting pighati man sa kanilang pag –alis, isang malaking pangarap na natupad naman, at itinuturing na isang malaking oportunidad ang matagal ng nakatatak sa isipan na, na pakatapos sa pag aaral ako ay aalis upang kumita ng malaking salapi sa ibang bayan. Habang sinasabi ng mga mgulang na sa mga susunod na buwan ay magiging maayos na ang ating buhay.

Mga mag sing irog na kinakailangan maghiwalay, puno ng pagmamahalan, at pag asa, kasabay ang pangako sa iniwanan kasintahan na, “ako ay babalik at sa aking pagbabalik walang sino man ang makakahadlang sa ating pagmamahalan” ang pangako na habang nasa bisig ng isat isa kasabay ang pag hikbi at pagtulo ng luha. Walang sino man ang nakakaalam, ito naba ang huling pagkikita o bahagi lamang ng pag-subok sa kanilang pag iibigan…

Masayang itsura naman ng magulang habang inihahatid ang kanilang anak, na mag-aaral sa ibang bansa na naniniwala na mataas ang kalidad ng pag-aaral sa bansang patutunguhan. At sa pagbabalik inaasahang tinitingala silang mga Pilipino dahil nakapag-aral sa ibang bansa.

Samantala nakadukomento naman ang pag alis ng (first timers) ang ngayon lamang makakaranas sumakay ng eroplano, ngiti ditto, ngiti doon, at kahit sino na lang ay inaabutan ng camera para kuhanan sila ng larawan. Gayun din ang mga reaksyon ng mga nanalo ng libreng ticket papunta sa ibang bansa.

Maswerte at maabilidad ang sinasabi sa mga hangan-hangan naghahatid, dahil sa libreng paglalakbay ng isang empleyado na ipinadala sa ibang bansa upang mag meeting o magseminar…. Habang pinag-uusapan n asana ay maranasan din nila ang walang gastos na pag alis.

Mahangin pag-alis at pagdating naman ng magkakabarkada, na anak ng mga pinagpala. Habang pinagkukuwentohan ang mga naganap sa kanilang pamamasyal sa ibang bansa, na sa pag labas ng paliparan nag-aabang na ang magagarang sasakyan na nag-iintay sa bawat isa.

Wala naman pagsidlan ng kaligayahan ang mga kaibigan at kamag-anak, habang palapag ang eroplano lulan ang balikbayan na nag trabaho at nagpaalila sa ibang lahi. Habang Inaasahan na ng mga naghihintay ang imported na tsokolate, pabango at sapatos na pasalubong. Sa pagkikita umaatikabong kamustahan, at paglalahad ng masarap na buhay sa ibang bansa ngunit salungat sa totoong naranasan.

May mga bumabalik din na walang tigil ang pagtulo ng dahil sa malupit na naranasan mula sa kanilang pinagsilbihan,pasa, hirap at pasakit ang naging buhay. ang pangarap na gaganda ang buhay sa pag-alis ay naging bangungut ng buhay.

Ang pagbabalik na sumasalubong ang media, nagkakagulo sa lugar ng paliparan napakasikip na daanan dahil sa nakahalang ng mamahayag, dyario, radio at tv, maaring isang Pilipino na sumikat sa ibang bansa, isang ofw na nakalaya sa (kidnap), pinalayas sa ibang bansa, inaapi at ang pinakamagandang entrada ay tinulungan daw ng isang politico o sikat na artista.

Nakakalungkot din pagmasdan ang mga turista na sa kanilang pag lapag ay kapintasan ng pilipinas ang kanyang nakikita.

Ang bawat tao sa paliparan ay magkakaiba, makanya kanyang damdamin sa pa-alis at sa pag pag balik.May mga tao mang hindi man ginusto na lumisan sa bayan ngunit naniniwala na ang pag alis patungo sa ibayong dagat dala ang pag-asa sa bagong bukas… may mga pabalik din ng pilipinas na umaasa na magkakaroon na ng magandang bukas sa kanilang pagbalik.

May malungkot, masaya, at ibat ibang emosyon, bukod sa pagtangap sa mga dumadating, at sa mga lumilisan, makikita din sa paliparan ang totoong buhay.

1 comment:

Anonymous said...

i like reading your blog very informative